BAKIT HINDI NA KAMI KUMPLETO? by HapiKid Remalyn

Marahil napapansin niyo po na madalang na ninyong makita sina Kuya Jestin, Sherwin, Kuya Al Brix at Daryll sa mga videos namin. May mga kaniya-kaniya silang dahilan mga KaHapi.

May 28, 2024 ay namula talaga ang dashboard ng page namin dahil madalang kaming makapag-upload sapagkat wala na halos HapiKids ang nagpupunta sa HapiHaus para gumawa ng content. Ang ginawa po ni Tito ay tinanong niya kami sa aming GC ng ganitong tanong;

ILANG PORSIYENTO ANG KAYA MONG IBIGAY SA HAPIYES TV? 1-10. No response means ZERO.

Ako nagbigay ng 9, sina Ampol, Kuya Al Brix at Sherwin ay nagbigay ng 10. Si Kuya Jestin naman ay nagbigay lang ng 3 at ang kapatid niyang si Harvey at nagbigay ng 5. Si Daryll ay hindi nag-respond sa tanong, meaning ZERO ang binigay niya. 

Karamihan sa amin, including my brother Kuya Ronald ay nagbigay ng 8 and 9. Walang nagbigay ng 7 pababa maliban sa magkapatid na sina Kuya Jestin at Harvey. Naiintindihan namin ang magkapatid dahil both parents nila ay nasa abroad na at ang Lola nila ay busy sa tindahan niya kaya hindi na sila madaling mapayagang umalis ng bahay kasi inaalala ang safety nila.

Si Kuya Al Brix, dati pa ay may mga priorities siya and giving us 10 was just a whim. First schedule nga ng group live nila (HapiLive Thursday) sila sina Sherwin, Djayden at siya ay hindi sila nagpunta, which is a violation to our rule na pagsasawalang bahala sa obiligasyon sa HapiYes. That was equivalent to 20% deduction sa kanilang monthly pay. 35 minutes lang ang HapiLive and that wasn't much to spend. at saka gabi naman. Ihahatid sundo pa sila ni Tito kung sakali pero hindi pa rin sila nagpunta at hindi man lang nagpasabi na hindi sila pupunta.

Para kay Tito, hindi obligasyon ang mag-vlog lalo na't hindi naman kalakihan ang kinikita namin. Ang dami pa naming naghahati-hati. Pero sabi niya; MAAGANG EXCERCISE NG COMMITMENT ang makikita sa amin. So kahit bata pa kami ay maipapakita na namin ang aming word of honor, discipline and how we stand to our commitment.

Mas pasok na kaya most of their excuses ay busy na sa pag-aaral. No big deal yun kay Tito, he understands it perfectly kaya naman kung sino ang mga madalas niyong makita ngayon sa mga videos namin ay sila talaga yung willing mag-share ng kanilang time para sa HapiYes TV.

Sa situation ni Sherwin, bilang baguhan sa mundo ng High School at malayo pa nga ang school niya, nauunawaan namin siya. Pero may weekends naman sana diba? Hindi na namin siya tinanong or hiningan ng time para mag-content at never namin siyang tinanong kung bakit nagbigay siya ng 10.

Si Daryll ay ZERO commitment. Pero dahil masipag siya sa HapiHaus at ayaw siyang mawala ni Tito sa samahan ay kinuha niya itong assistant niya. Madali lang ang trabaho ni Daryll. Bibili lang sa tindahan, magsasaing, maghahanda ng set kapag may shooting kami. Bilang kapalit, may allowance niya from Tito. Si Tito din ang bahala sa baon niya sa school, hatid-sundo pa siya at si Tito din ang bumili ng mga school supplies niya. Pero last week kasi, August 2 yata, nasa classroom kami nang biglang sumakit ang ulo ni Daryll. Nag-chat si Ethan kay Tito na sunduin si Daryll. Pumunta naman kaagad si Tito pero si Daryll ay hindi kaagad pinayagang lumabas ng teacher namin. Si Tito na naghihintay ng matagal sa labas ng school ay umalis na kasi inisip niya na baka nawala na yung sakit ng ulo ni Daryll.

Noong pinayagan na si Daryll ng teacher namin na lumabas, hindi sa HapiHaus umuwi si Daryll kundi sa bahay nila. That day ay nilagnat pa siya kaya siyempre, inisip ng parents niya na baka napapabayaan siya sa HapiHaus, which is not true dahil kung napansin ninyo, since tumira si Daryll sa HapiHaus ay ang laki na itinaba niya. So yun po, hindi na siya pinayagan na bumalik sa HapiHaus.

Yung BulJok naman po, mahina talaga ang page nila at may nag-rate pa ng negative sa recommendation na pinansin naman ng facebook kaya ngayon ay NOT RECOMMENDED na sila, meaning hind na sila tinutulungan ng facebook para mapalaganap ang mga videos nila. For this reason, ibinalik na ni Tito lahat ng BulJok sa HapiYes Tv. Lahat naman ng BulJok members ay elementary pa lang kaya nandito lang sila lagi sa barangay namin. Kaya sila ang lagi ninyong nakikita ngayon sa mga videos ng HapiYes Tv.

We know po na maraming supporters sina Kuya Jestin, Kuya Al Brix, Sherwin at Daryll. PERO hindi po natrin sila mapipilit na mag-vlog or gumawa ng content kung wala na talaga silang time. HINDI PO KASI SILA INOOBLIGA AT OK LANG PO KUNG HINDI KASAMA MGA PRIORITIES NILA ANG HAPIYES TV.

Salamat po sa pagbabasa KaHapi.

- HapiKid Remalyn

Comments

Popular posts from this blog